^

PM Sports

Unahan sa finals

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipagpapatuloy ng Barangay Ginebra at Meralco ang kanilang ‘rivalry’ habang inaasahan namang aagaw ng eksena ang duwelo nina TNT Tropang Giga star Ray Ray Parks, Jr. at Phoenix small forward Calvin Abueva.

Magtutuos ang Gin Kings at Bolts ngayong alas-6:30 ng gabi matapos ang salpukan ng Tropang Giga at Fuel Masters sa alas-3:45 ng hapon sa Game One ng kani-kanilang best-of-five semifinal series sa 2020 PBA Philippine Cup sa Angeles University Foundation Gym sa Pampanga.

Winalis ng Ginebra ang Meralco sa tatlong beses nilang bakbakan sa PBA Governor’s Cup Finals at kinuha ang 105-91 panalo sa elimination round noong Oktubre 18.

“It’s always nice to know who you are going to play because you can start preparations,” sabi ni two-time PBA Grand Slam champion coach Tim Cone ng Gin Kings.

Sinibak ng No. 1 Ginebra ang No. 8 Rain or Shine, 81-73 habang dalawang beses tinalo ng No. 5 Meralco ang No. 4 at five-time champions na San Miguel sa quarterfinals.

“The job is not fi-nished,” wika ni Bolts head coach Norman Black sa pagsagupa nila sa Gin Kings. “It’s only the semifinals. Now we have to put our sights on the finals.”

Samantala, tiyak namang magiging maaksyon ang muling pagkikita nina Parks at Abueva matapos ang insidente noong Mayo 21, 2019 na isa sa dahilan ng pagkakapataw ng PBA sa ‘The Beast’ ng indefinite suspension.

“Move on na ako diyan,” sabi ng 32-anyos na si Abueva, nagmula sa 16-month suspension.

vuukle comment

BARANGAY GINEBRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with