^

PM Sports

PBA killer sched

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Nagdeklara si PBA commissioner Willie Marcial na ayaw niyang isuko ang bubble play at sumang-ayon ang mga coaches.

Ganoon din ang saloobin ni league chairman Ricky Vargas at vice chairman Bobby Rosales na via Zoom ay sumama sa PBA meeting bago ang temporary play suspension.

Kaya naman committed ang lahat na ituloy ang bakbakan sa mas masikip pang schedule na walang dudang malaking pagsubok para sa lahat.

Halimbawa na lang ang tatahakin ng frontrunning TNT Tropang Giga. Lalabanan nila ngayon ang NorthPort sa pagsisimula ng back-to-back games at apat na laro sa susunod na limang araw.

Wala namang hindi daraan sa killer sked sa natitirang elims play dates mula ngayon hanggang Nov. 11.

Pangunahing hamon sa lahat ay mahirap na game preparation, game recovery at pag-iwas sa injury. At nananatili ang kailangang pag-iingat sa COVID-19 at pangungulila sa kanilang mga mahal sa buhay.

May bentahe ang mga nasama na sa Gilas Pilipinas dahil nadanas na nila ang araw-araw na laro sa international play.

***

Hinto ang bike/run training ni Odie Chua, isa sa mga pambatong active senior players sa Valenzuela, dahil napasok sa panibagong journey sa ilalim ng pamumuno ni designer/contractor Irene Mallonga.

Pero promise niya ang papel na defensive specialist at rebounding demon para sa Batch 83 team once makabalik ang Bagbaguin Super Senior league.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with