^

PM Sports

Pinayagan nang mag-operate ang OTBs

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bukod sa magandang line-up ng karera bukas ay masayang mangangarera ang mga karerista dahil pinayagan nang mag-operate ang mga Off-Track Betting stations (OTBs).

Pinutakte ng magagandang komento ng mga karerista ang Facebook page ng karera matapos marinig at mapanood ang magandang balita mula kay  Presidential spokesperson Harry Roque.

Sinabi ni Roque kahapon sa press briefing na aprubado na ng Inter-Agency Task Force, (IATF) ang pag-o-operate ng OTBs.

Pinapayagan ang OTBs sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine, (MGCQ).

May mga inilatag na health protocols na dapat sundin ng mga karerista kapag tataya sa OTB.

“Basta para sa ikabubuti naming mga karerista kahit ano pa ‘yan ay susunod kami,” komento ni Renato Dolores sa FB page ng karera.

Noong nakaraang buwan pa nagsimula ang pag-o-operate ng karera pero hindi kasama ang operas-yon ng mga OTBs.

vuukle comment

KARERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with