^

PM Sports

Mocon nagbida sa panalo ng Rain or Shine

Russell Cadayona - Pang-masa
Mocon nagbida sa panalo ng Rain or Shine

MANILA, Philippines — Binuksan ng Rain or Shine ang laro sa pamamagitan ng 16-0 atake.

Sa kabila ng pagba-ngon ng nagdedepensang San Miguel Beermen sa second quarter ay hindi bumitaw ang Elasto Painters para kunin ang 87-83 panalo sa 2020 PBA Philippine Cup kahapon sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles City, Pampanga.

Ito ang unang panalo ng Rain or Shine at ipinalasap ang unang kabiguan ng San Miguel sa dalawang laro.

Pinamunuan ni Javee Mocon ang Elasto Painters sa kanyang career-high na 25 points habang nagdagdag sina Kris Rosales at Beau Belga ng 15 at 12 markers, ayon sa pagkakasunod.

“It’s a good test right away because we’re playing the number one team. I’m happy about how we played,” sabi ni coach Caloy Garcia.

Matapos mabaon ng Rain or Shine sa 0-16 ay kumamada ang San Miguel sa likod ni Marcio Lassiter para pakawalan ang 20-9 bomba na nagdikit sa kanila sa pagsasara ng first period.

Mula sa 65-51 abante ng Painters sa huling 1:27 minuto ng third canto, nagawang makalapit ng San Miguel sa 69-73 sa likod nina Marcio Lassiter, Mo Tautuaa at Alex Cabagnot hanggang magsalpak si Mocon ng tres para ilayo ang Rain or Shine sa 76-69 sa 5:27 minuto ng fourth period. Ang dalawang basket ni Mark Borboran ang naglayo sa Painters sa 78-69 sa huling 3:19 minuto ng laro.

vuukle comment

RAIN OR SHINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with