^

PM Sports

Nietes napilitang magtinda para kumita

Russell Cadayona - Pang-masa
Nietes napilitang magtinda para kumita
Donnie ‘Ahas’ Nietes

MANILA, Philippines — Kasabay ng paghinto ng operasyon ng ALA Boxing Promotions ay ang pagtigil ng mundo ni dating world four-division champion Donnie ‘Ahas’ Nietes.

Dahil sa pagkawala ng nasabing promotional outfit at pagbabawal ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa pagdaraos ng mga boxing matches bunga ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic ay napilitan si Nietes na humanap ng ikabubuhay ng kanyang pamilya.

Nagtitinda nga-yon ang 38-anyos na tubong Murcia, Negros Oriental ng chorizo, kimchi,  mga gulay at bigas sa palengke sa Cebu City.

“Kasi wala akong ginagawa, walang boxing. So naisip ko makapag-income ako para kumita,” wika ni Nietes sa isang online interview. “Sila ang gumagawa at ako ang nagbebenta. Small business lang, parang libangan lang.”

Isa sa mga top customers ni Nietes, nagkampeon sa flyweight, light flyweight, mini flyweight at super flyweight divisions, ay ang chief trainer niyang si Edito ‘Ala’ Villamor.

Huling lumaban si Nietes, may 42-1-5 win-loss-draw ring record kasama ang 23 knockouts, noong Disyembre ng 2018 kung saan tinalo niya si Kazuto Ioka ng Japan para angkinin ang World Boxing Organization (WBO) super flyweight title.

Binitiwan ni Nietes ang WBO belt noong Marso ng 2019 para masalo ng kababayang si Aston Palicte, nilabanan niya sa isang kontrobersyal na split draw noong Setyembre ng 2018.

Naagaw naman ni Ioka ang nasabing korona kay Palicte via tenth-round knockout win noong Hunyo, 2019.

vuukle comment

DONNIE ‘AHAS’ NIETES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with