^

PM Sports

Sakripisyo sa gitna ng pandemya

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Para sa bayan!

Ito ang linyang madalas na marinig sa mga personalidad na nagsasakripisyo ng panahon, pawis at hirap suot ang national colors sa mga  international competitions.

Higit kailanman, ito rin ang sambit ng PBA ngayon sa kanilang hangarin na makabalik-laro habang nasa gitna pa rin ng pandemya.

Nagpipilit silang makalaro kahit na siguradong magtatapon sila ng malaking halaga para sa malaking payroll at mahal na overhead sa tournament na walang kapalit na gate receipts.

Ang aasahan nila ay TV income na malaki rin ang tapyas dahil one conference lang ang puwedeng isalba sa kasalukuyang season.

Makakatulong kung makakaakit sila ng tournament sponsors.

Nandyan pa ang pagharap sa posibilidad na may tamaan sa kanila ng COVID-19.

Pero, nagpupursigi talaga ang liga na makalaro para makapagbigay pag-asa sa bayan at maka-inspire sa mga kababayang Pinoy.

Masalimuot, kaya hindi katakataka na hindi natapos sa isang araw na pagpupulong ang pagbalangkas ng bubble concept, tournament format at venue ng PBA Board.

Pagkatapos ng inis-yal na pag-uusap noong Biyernes, muling uupo sa miting sina PBA commissioner Willie Marcial at ang PBA Board sa Huwebes para ituloy ang ‘di natapos na talakayan sa planong PBA restart.

Walang inaasahang kita at tunay sa sakripis-yo para sa bayan!

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with