^

PM Sports

MPBL, PVL, PSL naghihintay

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umaasa ang mga ama­teur leagues na sila na ang susunod na bibigyan ng go-signal upang makabalik sa training matapos payagan ang professional at collegiate sports.

Noong nakaraang buwan pa nagsimula ang mga pro-leagues na Phi-lippine Basketball Associatiom (PBA), Chooks 3x3 at Philippine Football League (PFL) sa pagbabalik-ensayo habang kakabigay lang ng go-signal  ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa varsity squads.

Umaasa ang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL), Premier Volleyball League (PVL) at Philippine Superliga (PSL), kinukunsiderang mga non-pro leagues, na sila naman ang mapayagang magbalik training.

Nagpasa na ang mga naturang liga ng kani-kanilang request letters sa IATF para sa training restart at sa pagpayag sa collegiate sports nitong linggo lang, kumpiyansa sila sa paborableng sagot ng IATF.

Nais ng MPBL na makabalik sa training ang apat na koponan na contender sa division finals ng natenggang 2020 Chooks-to-Go-Lakan Cup lalo’t naurong sa 2021 ang fifth season na magbubukas sana noong Hunyo.

Ang mga koponang nasa kontensyon pa ng MPBL Divisional Finals ay ang San Juan at Makati sa North kasama  ang Davao Occidental at Basilan ng South.

Ang PVL at PSL naman ay ilang buwan na ring pahinga ang mga manlalaro sa ensayo.

Sa pagputok ng pandemya noong Marso ay kinansela ng PSL ang kabubukas lang na Grand Prix Conference habang nadiskaril naman ang pag-larga ng PVL Open Conference noong Abril.

Binubuo pa ang mga protocols ng Technical Working Group (TWG) na pinangungunahan ng Commission on Higher Education bago makalarga ang copllegiate teams.

 

vuukle comment

MPBL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with