^

PM Sports

Okay pa rin ang PBA kahit na-extend ang GCQ

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Buo pa rin ang tiwala ng PBA na maitutuloy nila ang naantalang 45th Season sa kabila ng pagpapalawig ng General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila ayon sa anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon.

Kasama ng NCR sa GCQ extension ang Bulacan, Laguna, Rizal, Cavite, Cebu City, Talisay City, Mandaue City, Lapu-Lapu City at Zamboanga City habang nanatili naman sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang iba pang bahagi ng bansa.

Para kay PBA Commissioner Willie Marcial, magandang balita ito dahil posibleng mapurnada ang training return ng liga sa susunod na linggo kung bumalik sa mas mahigpit na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang NCR.

Unang hakbang ang naapubrahang practice return ng PBA ayon sa Joint Administrative Order ng GAB, PSC at DOH sa pangarap na maituloy ang 2020 Philippine Cup lalo’t kapag lumuwag na ang quarantine restrictions.

Ayon pa sa anunsyo ng Presidente, malapit nang matapos ang mga bakuna na siyang magpapaganda lalo ng tsansa ng PBA.

“Lalong lumilinaw ang pag-asa ng PBA,” dagdag ni Marcial.

Nakatakda ang swab testing ng 12 PBA teams sa Agosto 6-7 at kapag nagnegatibo lahat ang resulta ay puwede nang mag-training na limitado lang muna sa apat na manlalaro kada-batch ayon sa protocols at guidelines sa ilalim ng JAO.

Ang napipintong balik ensayo ng PBA ang unang league activity sa loob ng limang buwan matapos mapuwersa ng pandemya na pansamantalang itigil muna ang kabubukas pa lamang na 2020 Season noong Marso.

vuukle comment

GCQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with