^

PM Sports

Dodong Bascon, 84

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Bago namaalam ang 2019, nagawaran si Oscar “Dodong” Bascon ng Legendary Sportsman honors mula sa samahan ng mga sportswriters sa Bacolod.

Timely ang parangal na ikinasaya ng kanyang puso, ilang buwan bago namayapa ang well-loved Negros sports leader. Pinagluluksa ngayon ng Negros ang kanyang pagkamatay sa edad na 84.

Bilang sports leader, matunog din ang kanyang pangalan sa boxing promotions.

Pero sa basketball mas natatak ang kanyang pangalan hindi lang sa kanilang probinsya.

Ang mabait na mama ang team manager ng paulit-ulit na Southern Conference champion na Negros Slashers sa kasagsagan noon ng MBA.

Una rito, umukit si Bascon at ang Negros Basketball Association ng kasaysayan sa PABL nang kanilang talunin ang El Rancho-Cebu sa PABL Maharlika Cup Division II finale noong 1989.

Pinangunahan ni future PBA stalwart Boyet Fernandez ang tagumpay ng NBA-Bacolod laban sa iba pang pambato mula sa iba’t ibang key basketball regions na Pepsi-Mindanao, Pampanga All-Stars, Shakey’s Baguio, Bicol-Kaypee at KABAKA-Manila.

Dahil sa championship, pasok sila sa regular Maharlika Cup kung saan makakalaban sana nila ang mga regular PABL campaigners na Magnolia, Swift, Sta. Lucia, Philips, Crispa at Agfa Color. Pero dahil sa kung anu-anong pangyayari, minarapat na nilang hindi bumalik sa Manila at ninamnam na lang ang kampeonato kontra sa kanilang archrival mula Cebu.

Yumabong ang sports sa Bacolod dahil sa mga dedicated at passionate leaders gaya ni Dodong. Nawa’y may sumibol na hahalili sa kanya.

 

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with