Rex Intal kumi-Kpop
MANILA, Philippines — Nagsulputan ang iba’t-ibang edited photos kung saan pinapalitan ang mukha ng mga Korean celebrities at naki-join sa pausong ito si Rex Intal.
Sa Instagram ng Philippine men’s volleyball national team middle blocker, makikita ang poging edited picture niya kung saan inilapat ang mukha ni Oh Se-hun ng K-Pop group na EXO habang suot ang kanyang jersey.
“Nag-skin care routine lang ako kagabi paggi-sing ko ganito nako. #CTTO. Sino nag-edit nito?!,” ang patawang caption ni Intal.
Isang fan na may username na @audrey ang nagsabi na siya ang nag-edit ng nasabing picture.
Ngayon ay umabot na ng lagpas 21k likes ang nalikom nito at may 700 comments na rin ang perfectly edited photo na ito.
- Latest