^

PM Sports

HD Spikers, Cargo Movers humataw ng panalo sa PSL

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kapwa nagpakitang-gi­las ang Cignal HD Spi­kers at F2 Logistics Cargo Movers nang magbulsa ng panalo sa Philippine Superliga (PSL) Grand Prix kahapon sa Bacoor Strike Gymnasium sa Bacoor, Ca­vite.

Ipinalasap ng HD Spi­kers ang ikalawang sunod na kabiguan ng Generika-Ayala Lifesavers, 19-25, 25-18, 25-20, 25-20, para sa magarbong umpisahan ang kanilang kampanya sa liga.

Ipinarada ng Cignal si Cuban reinforcement Lian­nes Simon na nagtala ng 29 points sa likod ng 24 attacks, 3 kill blocks at 2 aces, habang may sahog na 14 markers si setter Alo­hi Robins-Hardy.

Nakatuwang din ng tropa sina middle bloc­kers Roselyn Doria at Ran­ya Musa na may 7 at 6 points, ayon sa pagka­ka­sunod.

Minanduhan ng HD Spi­kers ang blocking department kung saan nagposte sila ng 9 kill block kumpara sa 5 ng Lifesa­vers, habang kumubra pa si­la ng 50 attack kills kon­tra sa 45 na itinala ng Generika-Ayala.

Samantala, pinalubog naman sa putik ng Cargo Movers ang PLDT Home Fibr Hitters, 25-21, 25-15, 25-13, sa pangunguna ni­na import Lind­say Stalzer at Fil-Am Kalei Mau.

Nagkuntsabahan sina Stalzer at Mau para ban­de­­rahan ang opensa ng tro­­pa.

Nagtapos na may 22 points si Stalzer mula sa 19 attacks, 2 aces at 1 block, habang naglista si Mau ng 14 markers.

Kapwa lumubog sa 0-2 record ang Generika-Aya­la at PLDT.

 

 

vuukle comment

HD SPIKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with