^

PM Sports

Fox inilapit ang Kings sa final spot sa West; Antetokounmpo bumida sa panalo ng Bucks

Pang-masa
Fox inilapit ang Kings sa final spot sa West; Antetokounmpo bumida sa panalo ng Bucks

MEMPHIS, Tenn.— Hindi kaagad nakapagde­sis­yon si guard De’Aaron Fox kung maglalaro.

Matapos ang ilang mi­nuto ay iginiya ni Fox ang Sacramento Kings sa 104-101 pagtakas kontra sa Grizzlies.

Hindi naglaro si Fox, umiskor ng 25 points ka­sama rito ang 16 sa se­cond half, sa kabiguan ng Sacramernto laban sa Ok­lahoma City Thunder noong Huwebes bunga ng lo­­wer right abdominal tight­­ness.

“I felt fine,” wika ni Fox, mayroon ding shoulder injury. “When you are in the thick of things, you are not really thinking about it.”

Nagdagdag si Harry Giles III ng 16 points para ilapit ang Kings sa pang-walo at huling play­off ticket sa  Western Con­fe­rence.

Nalasap ng Grizzlies ang pang-limang sunod na kamalasan.

Pinamunuan ni Dillon Brooks ang Memphis sa kanyang season-high na 32 points, habang nag­lista si Ja Morant ng 20 points at 11 assists at hu­makot si Jonas Valanciunas ng 13 points at career-high na 25 rebounds.

Sa Milwaukee, kumo­lekta si Giannis Anteto­kounmpo ng 32 points at 13 rebounds at nagtala ang Bucks ng 24-point lead sa second quarter pa­tungo sa 133-86 pagpa­patumba sa Thunder.

Ang 47-point loss ang pinakamasamang nalasap ng Oklahoma City nga­­­yong season.

Si Bucks All-Star forward Khris Middleton ay late scratch dahil sa kanyang sore neck, habang may ankle injury naman si Thunder forward Danilo Gallinari.

Sa Los Angeles, nagsalpakn si Paul George ng anim na 3-pointers pa­ra sa kanyang 24 points at nagdagdag si Kawhi Leo­nard ng 19 points para sa 132-103 panalo ng Clippers sa Denver Nuggets.

Sa Miami, nagpasabog si Jimmy Butler ng 26 points kasunod ang 24 markers ni Duncan Ro­­binson para ihatid ang Heat sa 126-118 paggupo sa Dallas Mavericks.

Diniskaril ng Mia­mi ang pagdiriwang ni Dallas guard Luka Doncic ng kanyang ika-21 ka­a­ra­wan.

vuukle comment

FOX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with