^

PM Sports

Nadagdagan ang problema ng Gilas

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Nadagdagan ang problema ng Gilas
Mac Belo

MANILA, Philippines — Patuloy ang pagdami ng problema ng Gilas Pilipinas habang papalapit sa unang window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers.

Nadagdagan ang pilay na players ng national team, sa pagkakataong ito ay si Mac Belo naman ng Blackwater na opisyal nang umatras sa 24-man training pool.

Kinumpirma ni Gilas team manager Gabby Cui ang pag-pull out ni Belo sa Nationals bunsod ng knee injury rehabilitation nito.

Dumagdag ngayon si Belo kina 6-foot-8 center Christian Standhardinger ng Northport at 6’8 forward Japeth Aguilar ng Ginebra.

Kasalukuyan ding sumasailalim sa sari­ling knee injury rehab si Standhardinger.

Si Aguilar naman ay nasa honeymoon na na­udlot bunsod ng tuluy-tu­loy niyang paglalaro sa Gilas at sa PBA noong na­karaang taon.

Bunsod nito, lalong numipis ang frontcourt nina interim head coach Mark Dickel at Gilas program director Tab Baldwin, halos isang linggo nalang ba­go ang kanilang unang laban sa qualifiers.

Tanging sina veteran forward Marc Pingris ng Magnolia, Troy Rosario ng TNT Katropa at Poy Erram ng NLEX mula sa PBA ang naiwan sa pagpipiliang big men.

Kasama din sa lista­han ang amateur standouts na si­na Isaac Go ng Ateneo at Justine Baltazar ng La Salle.

Araw-araw na nagsasanay ang Gilas Pilipinas simula pa noong nakaraang Huwebes sa tulong din ng ibang assistant na sina Alex Compton, Topex Robinson at Sandy Arespacochaga.

Una nilang makakaharap ang Thailand sa Bangkok sa Pebrero 20 bago i-host ang Indonesia sa Pebrero 23.

Kabilang sa Gilas pool ang Top 5 PBA picks noong nakaraang Rookie Draft na sina Isaac Go ng Columbian, Rey Suerte ng Blackwater, Matt Nieto ng NLEX, Allyn Bulanadi ng Alaska at Mike Nieto ng Rain or Shine kasama sina Thirdy Ra-vena at Dwight Ramos ng Ateneo, Justine Baltazar ng La Salle, Kobe Paras, Jaydee Tungcab at gayundin sina Juan at Javi Gomez De Liano ng UP. Nasa pool din si Dave Ildefonso na lilipat na sa Ateneo mula sa NU at mga PBA stars na sina Marc Pingris ng Magnolia, Poy Erram ng NLEX, CJ Perez ng Columbian, Troy Rosario ng TNT at Matthew Wright ng Phoenix.

 

vuukle comment

MAC BELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with