^

PM Sports

Kai Sotto pasok sa sikat na BWB Camp

Pang-masa
Kai Sotto pasok sa sikat na BWB Camp
Kai Sotto

MANILA, Philippines — Patuloy ang kuwento ng alamat ni Kai Sotto sa US para sa misyong maging kauna-unahang Filipino homegrown player sa NBA.

Bunsod ng tuluy-tuloy na impresibong kam-panya sa high school tournaments doon, napasali si Sotto sa prestihiyosong Basketball Without Borders (BWB) Camp sa susunod na linggo sa Chicago, Illinois.

Inorganisa ng NBA at ng FIBA, bahagi ang naturang BWB camp ng 2020 NBA All Star Weekend.

Lalahukan ito ng 64 na pinakamagagaling na high school players mula sa 34 na bansa.

Magsisilbing coaches ng BWB campers ang produkto nito at NBA players na ngayon na sina Lauri Markkanen ng Bulls, Tacko Fall ng Celtics, David Bertans ng Wizards at Pascal Siakam ng NBA champion na Raptors.

Magisislbi ring trainers ng mga high school prodigies ang piling WNBA players gayundin ang assistant coaches mula sa NBA at WNBA.

Sasailalim sila sa pambihirang training na katatampukan ng movement efficiency, skill deve-lopment stations, shooting at skills competitions habang magse-seminar din sila tungkol sa health, leadership at communication.

Sa huling araw ng three-day camp na suportado rin ng Nike ay hahatiin sa mga koponana ng 64 na manlalaro para sa elimination tournament.

Mabibigyan din ng pagkakataon ang BWB campers na makanood ng NBA All Star Weekend kabilang na ang Three-Point, Skills Challenge at Slam Dunk Contest gayundin ang inaabangang NBA All Star Game sa pagitan ng mga koponan ng kapitan na sina LeBron James ng Lakers at Giannis Antetokounmpo ng Bucks.

Ang pagkakasali ni Sotto sa BWB ay ang pina-kabago niyang milestone sa US matapos sumikwat ng MVP at Mythical Five honor sa dalawang sikat na HS tournaments na King Invitational sa Georgia at Hargrave Military Challenge sa Virginia na nilahukan ng mga top US NCAA prospects.

Sa ngayon ay nasa ranggong 68 na si Sotto ng ESPN Top 100 high school players at nakatanggap na ng offers mula sa sikat na US NCAA Division 1 schools tulad ng Georgia, Georgia Tech, Auburn, DePaul, Boston College at Kentucky.

vuukle comment

KAI SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with