^

PM Sports

SMBeer vs Magnolia sa PBA opening

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Maghaharap agad sa higanteng rematch ang reigning champion San Miguel at Magnolia sa nakatakdang opening ng 45th PBA Season sa Smart-Araneta Coliseum.

Magaganap ang laban sa alas-6:30 ng gabi bilang nag-iisang game ng opener, ayon sa anunsyo ni PBA Commissioner Willia Marcial sa ginanap na annual board meeting ng liga sa Milan, Italy.

Eksplosibong rematch ito para sa magkapatid na franchises mula nang magpangbuno sila sa bakbakang seven-game All-Filipino Conference Finals noong nakaraang taon.

Wagi ang Beermen, 4-3, tampok ang comeback win mula sa 17-point deficit sa Game 7 upang masungkit ang makasaysayan nitong ikalimang sunod na Philippine Cup trophy. Inaasahan na nasa kondis-yon ang dalawang koponan mula sa mahabang pa-hinga nang kapusin sa quarterfinals ng nakaraang season-ending conference na Governors’ Cup noong nakaraang buwan.

Bago ang lone game, magaganap muna ang Leo Awards para sa katatapos lang na 44th PBA Season na liyamado ring pagwagian ni SMB big man June Mar Fajardo bilang Season MVP sa ikaanim na sunod na taon.

Una si Fajardo sa statistical race pagkatapos ng tatlong conferences kontra sa mga karibal na sina CJ Perez ng Columbian, RR Pogoy ng TNT, Sean Anthony ng Northport at Stanley Pringle ng Ginebra gayundin sina Best Player of the Conferences Jayson Castro ng TNT at Christian Standhardinger ng Northport.

vuukle comment

MAGNOLIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with