^

PM Sports

Taulava walang kupas

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Taulava walang kupas

MANILA, Philippines — Ala-Vince Carter ang magagawa ni Asi Taulava ngayong taon sa nakatakda niyang pagpasok sa ikaapat na dekada ng makulay niyang basketball career.

Kagaya ng NBA legend na si Carter na naglaro sa NBA mula 90, 2000s, 2010s hanggang ngayong 2020s, uukit ng kasaysayan si Taulava sa PBA.

Tinaguriang “Ageless Asi” at “The Rock”, wala pa rin talagang kupas si Taulava sa inaasahang pagpirma niya ng bagong kontrata sa NLEX para sa 2020 PBA Philippine Cup.

Inaayos na ng Road Warriors ang detalye ng contract extension ni Taulava na maglalaro sa kanyang ika-41 na PBA season.

Edad 46-anyos na si Taulava at sa kasalukuyan ay siyang second oldest player sa PBA history kasunod ng ala-mat na si Robert Jaworski na nagretiro noong 51-anyos siya.

Pumasok ang Fil-Tongan cager sa pinakamatandang pro-league sa Asya noong 1999 bilang direct hire ng Mobiline Phone Pals (Talk ‘N Text ngayon).

Naging PBA MVP si Taulava noong 2003 nang madala niya rin sa All-Filipino Championship ang Phone Pals tungo sa Finals MVP citation.

Hawak din ni Taulava ang record na 17 All Star Appearances sahog pa ang dalawang All Star Game MVPs, 8 Mythical Team selections, tatlong All-Defensive Team citation.

Tinanghal din siyang MVP ng ASEAN Basketball League at bahagi ng 40 PBA Greatest Players.

Ngayon, nagsisilbing gabay si Taulava Road Warriors big men na sina Poy Erram at JR Quinahan gayundin sa rookie na si Will McAloney.

vuukle comment

ASI TAULAVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with