^

PM Sports

NCAA volleyball balik-aksyon na

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos ang dala-wang araw na kanselasyon dahil sa panganib na hatid ng ashfall sa pag-alburoto ng Bulkang Taal, balik-aksyon ang NCAA season 95 volleyball ngayong araw sa The Arena sa San Juan City.

Tatargetin ngayon ng defending champions na Arellano University Lady Chiefs na manakaw ang ikalawang sunod na panalo at solo liderato sa pagbangga sa Mapua University Lady Cardinals sa alas-2 ng hapon matapos ang tapatang JRU at San Sebastian sa alas-12 ng tanghali.

Bumida sa unang araw ng liga ang Lady Chiefs nang dagitin nila ang unang panalo matapos pahiyain ang host school na Lyceum Lady Pirates sa loob ng tatlong sets, 27-25, 25-20, 25-20 sa pangunguna ni reigning Finals MVP Regine Arocha.

Muling sasandal si Arellano head coach Obet Javier kay Arocha kasama ang consistent-scorers nito na sina Carla Donato, Princess Bello, Mikaela Juanich at Alya-na San Gregorio habang limitado ang paglalaro ni Necole Ebuen dahil nagpapagaling pa rin mula sa kanyang cyst operation.

Magde-debut naman ngayong araw ang Lady Carnidals na naka-schedule noong Lunes kontra sana sa College of Saint Benilde Lady Blazers na hangad baguhin ang kanilang tadhana ngayong season.

Tinapos ng Mapua ang kanilang season 94 campaign bitbit ang isang  panalo lamang para itarak ang 1-8 win-loss record at iposte ang ikasiyam na puwesto sa ibabaw ng EAC, sa final standings ng liga.

Aasahan ni coach Clarence Esteban at ng Mapua sa kampanyang ito sina Hannah Alvarado, Princess Babiera, Jenahlyn de Guia, Jonina Fernandez, Wellamae Ortega at Andrea Santos.

Pambungad ang bakbakang JRU at San Sebastian sa alas-8:30 ng umaga at susundan ito ng men’s match ng JRU at San Sebastian sa alas-10 at sa alas-3:30 at 5 ng hapon ang juniors at men’s game ng Mapua at Arellano.

vuukle comment

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with