^

PM Sports

Sino ang susunod na Gilas Coach?

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Sino ang susunod na Gilas Coach?

MANILA, Philippines — Habang wala pang nakukuhang permanent head coach ay posibleng interim mentor muna ang panga­lanan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na mag­mamando sa first window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers.

At magmumula ito sa PBA, ayon kay SBP pre­sident Al Panlilio, katulad ng pagkuha kay Tim Cone bilang pansamantalang chief tactician ng na­­tional team na nagwagi ng gintong medalya sa ka­­tatapos lamang na 2019 SEA Games.

“Wala pa kaming na-identify na coach. Maybe in the first window, it will be an interim, hindi siya yung magiging permanent coach,” ani Panlilio. “The interim are the coaches in the PBA. Maybe the interim is one of the existing coach we know to­day who’ll just do it for the window.”

Mapipilitan ang SBP sa desisyong ito dahil na­sa kalagitnaan pa lang sila ng proseso sa pag­ha­nap at pagpili ng coach ng mamumuno sa natio­nal team simula ngayong hanggang sa 2023 FIBA World Cup at sa iba pang kasunod na international tournaments.

Nauna nang pinangalanan ng SBP bilang Gilas Pilipinas program director si Ateneo coach Tab Baldwin subalit hindi siya magsisilbing coach at siyang mangangasiwa lamang sa buong programa ng national team simula ngayon.

Ayon pa kay Panlilio na governor din ng Meralco sa PBA Board, nagsimula na sila sa paghahanap at nakakuha na ng mga interes sa international coaches kabilang na ang Angola head coach na si Will Voigt.

Kasalukuyang nasa bansa si Voigt upang tulu­ngan si Charles Tiu sa nakatakdang kampanya ng Mighty Sports na pangungunahan nina Kai Sotto at Andray Blatche sa Dubai International Basketball Championship sa Pebrero.

“For us, from an SBP point of view, we need to appoint a full-time coach for the program. The next window is November and it gives us time now to set-up the right coach moving forward. It has to be a full-time coach for the program at the end of the day,” pagtatapos ni Panlilio.

Magsisimula  ang Asia Cup qualifiers ng Gilas sa Pebrero 20 kontra Thailand. Makakalaban din ni­la ang South Korea at Indonesia sa Group A.

Sinumang mapipiling interim coach ng Gilas ay siyang hahawak sa Gilas pool na binubuo ni­na Isaac Go, Rey Suerte, Allyn Bulanadi, Matt at Mike Nieto kabilang na sina Thirdy Ravena at Jaydee Tungcab.

Posible silang samahan ng limang PBA pla­yers nakatakda pa lang din pangalanan ng SBP sa na­lalapit na pagpupulong sa PBA Board ngayong buwan. 

 

vuukle comment

GILAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with