^

PM Sports

JB Guce inihatid ang Joyous Solution sa panalo sa Challenge Race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagkampeon ang Joyous Solution sa katatapos na Three-Year-Old Imported/Local Challenge race kahapon sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Ipinuwesto ni star jockey Jessie Basilio Guce ang Joyous Solution sa pang-apat sa largahan at saka kumuha ng pangatlo pagdating ng back stretch.

Hinayaang mauna ng naliyamadong Joyous Solution ang mahigpit na katunggaling Will To Win, habang nasa pangalawang puwesto ang Magtotobetsky.

Papasok ng far turn ay lumapit na ang Joyous Solution at local horse Magtotobetsky sa bumabanderang Will To Win.

Pagsapit ng home turn ay ang Joyous Solution at Magtotobetsky na lamang ang nagbabakbakan sa unahan.

Sa huling 150 meter ng laban ay inaagaw ng Joyous Solution ang unahan para tawirin ang meta ng may dalawang kabayo ang distansya sa nasegundong Magtotobetsky.

Nasilo ng Joyous Solution ang P900,000 premyo sa event na inisponsoran ng Philippine Racing Commission (Philracom).

Nakopo ng Magtotobetsky ang P337,500 at napunta ang P187,500 sa Will To Win, habang P75,000 ang nakopo ng Queensboro.

Inirehistro ng Joyous Solution ang 2:04. 4 sa 2,000 meter race.

Samantala, parang ensayo lamang ang takbo ng Viva Morena nang angkinin ang panalo sa Philracom-RBHS Class 1 na pinasibat sa unang karera.

Walang kahirap-hirap na tinakbo ng Viva Morena ang 1,600 meter race matapos ilista ang impresibong 1:38.6 tiyempo.

Sinunggaban agad ng imported horse ang unahan paglabas ng aparato at nang makalamang ng dalawang kabayo ay hindi na pinadikit ang mga nakatunggali.

Tinipid ni class A rider Danny Camañero ang lakas ng Viva Morena at nang makakuha ng tiyempo ay pinaigkas nito papalayo ang winning horse pagsungaw ng huling kurbada.

At saka lumayo ng todo ang Viva Morena sa rektahan upang ibulsa ng may-aring si BP Niles ang karagdagang P30,000 na premyo.

Dumating na segundo ang Goldsmith, habang pangatlo ang Scarborough Shoal. 

Nagpakitang gilas din ang Celebrity na sinakyan ni top apprentice Pabs Cabalejo, nanalong banderang tapos sa Philracom-RBHS Class 5.

vuukle comment

JB GUCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with