^

PM Sports

Murika nagpakitang-gilas sa PHILRACOM-RBHS Class 2 race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipinakita ng Murika ang kanyang husay sa karerahan matapos manalo sa PHILRACOM-RBHS Class 2 race kahapon sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Pumuwesto sa pangalawa ang Murika sa largahan at kahit lamang ng anim na kabayo ang bumanderang Most Trusted ay hindi nataranta ang hinete ng winning horse na si class A rider O’Neal Cortez.

Papasok ng far turn unti-unting pinausad ni reigning Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey of the year awardee na si  Cortez ang  Murika kaya pagsapit ng huling kurbada ay nasa unahan na ang imported horse mula sa USA.

“Sobrang galing ni Murika hinayaan ko lang kung ano gusto niya,” saad ni Cortez. “Mag-uumento pa si Murika sa tingin ko iidolohin din siya ng bayang karerista,”

Nasilo ng may-ari ng Murika ang added prize na P20,000 mula sa Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

Dumating na segundo ang Hookbung Dagat habang tersero ang Most Trusted sa event na may distansyang 1,600 meter race.

Samantala, natalo sa unang salang sa pista ang Murika pero marami ang nagsasabing magaling itong kabayo.

Tumakbo si Murika sa Cojuangco Cup, natalo siya kay Bugle Notes na kinikilalang magiging super horse sa 2020.

Dumating na segundo si imported horse mula USA, Murika sa nasabing stakes race, tinalo niya sa datingan sina 2019 Presidential Gold Cup ruler Super Sonic, Hitting Spree, Viva Morena at kampeon din na Sepfourteen. 

Nagpakitang gilas din ang Lady Of Peace sa Condition Race ca-tegory 21 na pinasibat sa pangatlong karera.

Hindi binigo ng Lady Of Peace ang mga liyamadista sa largahan pa lang ay kinuha ng Lady Of Peace ang unahan upang manalo ng banderang tapos.

Anim na kabayo ang nilamang ng Lady Of Peace at sa rektahan ay halos hindi nabago ang agwat kaya nakuha nito ang magaan na panalo.

vuukle comment

PHILRACOM-RBHS CLASS 2

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with