^

PM Sports

Sino ang susunod na Gilas coach?

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Early next year ay simula na ng FIBA Asia Cup 2021 qualifiers na ang format ay kapareho ng natapos na 2019 World Cup qualifiers – home and away series.

Naka-set ang Team Phl na simulan ang kanilang campaign sa paglalaro ng home game kontra Thailand sa Feb. 20 at ito ay susundan ng “away game” kontra Indonesia sa Feb. 23.

Kaya inaasahan na parating na ang announcement ng Samahang Basketbol ng Pilipinas kung sino ang susunod na Gilas Pilipinas coach.

Ang siste ay mukhang magkra-cram na naman ang Team Phl sa preparasyon sa unang window ng Asia Cup qualifier.

At ang katanungan ay kung sinu-sino ang bubuo ng Gilas team.

Pero at least may limang identified ng Gilas cadet players sa katauhan nina Isaac Go, Allyn Bulanadi, Rey Suerte at ang Nieto twins (Matt and Mike).

Maaaring maging mix ng PBA players at Gilas cadet ang unang koponan na masasalang sa Asia Cup qualifiers.

Pero hanggang ngayon ay wala pang pormal na pakikipag-usap ang SBP sa PBA.

Ang ikaapat na kasama ng Philippines, Indonesia at Thailand sa Group A sa Asia Cup qualifiers ay South Korea.

Twenty-four teams in all ang involved sa regional qualifiers. Sila ay hinati sa anim na grupo na lalaro ng double-round robin format (home and away).

Pagkatapos ng group play, ang dalawang best teams ay automatic na papasok sa Asia Cup proper. Ang anim na third-placed teams naman ay magla-laban-laban sa hiwalay na qualifying tournament upang idetermina ang huling apat na kukumpleto ng Asia Cup 16-team roster.

DATOS: Mainit na Christmas greetings ang hatid nina Ricardo “Kandong” Pabaya, Maning Francisco, Gherlie Cantillon, Maria Francisco at Vhoy Nonog sa kanilang batchmates sa Class 78 ng Maysan Ele-mentary School. Kasama ng pagbati ang handa ni Kandong na mga regalo.

vuukle comment

GILAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with