^

PM Sports

Nakatuon lahat sa Gilas

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines — Gintong medalya at wala nang iba ang inaasahan sa Gilas Pilipinas sa 5x5 men’s basketball competition sa kasalukuyang 30th Southeast Asian Games na nilalaro sa Mall of Asia Arena.

Inaasahang magtatagumpay ang National cagers kontra sa Indonesia kagabi sa semifinals para makalapit sa inaasam na ika-13 sunod na gintong medalya ng biennial competition.

Naghihintay na ang Thailand sa finals na pag-lalabanan ngayong gabi. Umusad sa finals ang Thais matapos pabagsakin ang Vietnam kanilang sari-ling semis match, 101-95.

Ito ang unang beses na muling nakatungtong sa gold medal match ng SEA Games ang Thailand, na huling nilang nagawa noong 2013 edition sa Napyidaw sa Myanmar.

Bagama’t makailang beses ng nakaharap ng Pi-lipinas sa finals ng regional biennial meet ang Indonesia, una noong 2001 edition sa Kuala Lumpur sa Malaysia at 2007 sa Nakhon Ratchasima sa Thailand, alam nilang babawi ang mga ito.

Bukod sa maliliksi at malalakas na Indons, kailangan ding alpasan ng pambansang koponan ang plays at strategy na ipapamalas sa krusyal na laro na ito ni Indonesian team head coach Rojak Toroman, na isa mga pundasyon ng Gilas program.

Naging bahagi ng Phi-lippine basketball si Toroman nang pangunahan niya ang Gilas Pilipinas noong taong 2009 hanggang 2011 kung saan natulungan niya ang tropa sa fourth place finish 2011 FIBA Asia Championships.

Samantala, maghihintay naman ang Vietnam kung sino ang makakatunggali nito sa battle for bronze, ngayong hapon sa parehong playing venue.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

SEA GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with