^

PM Sports

Phl Esports team sasabak na

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines — Anim na gintong medalya ang tatargetin na maibulsa ng Sibol Philip­pine Esports team sa pagsisimula ng kanilang laban sa inaugural staging ng Esports tournament sa 30th Southeast Asian (SEA) Games ngayong araw sa The Arena sa San Juan City.

Matapos maging isang demonstration sport noong 2018 Jakarta-Palembang Asian Games sa Indonesia, ngayon ay isang medal-contested event na ang esports nang I-sanction ito ng International Olympic Committee (IOC).

Bubuksan ang unang araw ng kumpetisyon sa group stage qualifying rounds ng tatlong laro na Hearthstone, Starcraft II at Mobile Legends: Bang Bang bandang alas-10:30 ng umaga.

Unang sasalang ang pambato ng bansa sa Hearthstone na sina Jacinta Dee, na nasa Group A, at Dustin Mangulabnan, sa Group B at makakabangga nila ang manlalaro mula sa mga bansang Vietnam, Thailand, Malaysia, Indonesia at Singapore.

Matapos nito ay magpapakitang-gilas naman ang Starcraft II team na pangungunahan nina Justin Santos (Group A) at Caviar Amcapado (Group B) habang susundan naman nito ng makikipagtunggali nito sa Mobile Legends: Bang Bang team.

Nasa Group B ng MoBa event ang Pilipinas, ibabandera sina Kenneth Villa, Karl Nepomuceno, Carlito Ribo, Jeniel Bata-anon, Kyle Arcangel, Allan Castromayor at Rafael Torculas; at makakaharap nito ang mga manlalaro mula sa Indonesia, Laos at Thailand.

Umaasa ang Nationals na maduduplika nila ang dominasyon na kanilang ginawa sa esports test event noong Nobyembre kung saan tatlong gintong medalya mula sa Tekken 7, Mobile Legends at Dota 2 ang ninakaw ng mga ito.

Kinabukasan naman ang semifinals at finals ng tatlong nasabing laro bago ang pagsalang ng natitirang events na Tekken 7, Dota 2 at Arena of Valor.

vuukle comment

SOUTHEAST ASIAN GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with