^

PM Sports

Double-double uli si Antetokounmpo

Pang-masa

MILWAUKEE -- Nangailangan lamang si Gian-nis Antetokounmpo ng 22 minuto para muling magtala ng double-double.

Humakot si Antetokounmpo ng 29 points at 15 rebounds para akayin ang Bucks sa ika-12 sunod na ratsada mula sa 132-88 pagdurog sa New York Knicks.

Ipinoste ng Milwaukee (18-3) ang 47-point lead kung saan hinaltak ni  Antetokounmpo ang kanyang pang-10 rebound sa huling 4:43 minuto sa second quarter para sa kanyang NBA-leading na ika-20 double-double.

Ipinahinga siya sa huling limang minuto ng third quarter sa 93-54 kalamangan ng Bucks.

Nagdagdag si D.J. Wilson ng career-high 19 points habang may 16 at 14  markers sina Khris Middleton at George Hill, ayon sa pagkakasunod.

Binanderahan ni Julius Randle ang Knicks (4-17) mula sa kanyang 19 points kasunod ang 14 markers ni Damyean Dotson.

Sa Charlotte, tumipa si Kelly Oubre Jr. ng 23 points, kasama ang dalawang mahalagang three-pointers sa huling minuto ng laro para ihatid ang Phoenix Suns sa 109-104 pagdaig sa Hornets.

Nag-ambag si Devin Booker ng 23 points at may 16 markers at 10 boards si Dario Saric para sa Suns, tinapos ang three-game losing skid.

Pinamunuan ni Marvin Williams ang Hornets sa kanyang season-high 22 points.

Sa Philadephia, nagsalpak si James Ennis III ng isang triple at kumamada si Tobias Harris ng 26 points para tulungan ang 76ers sa 103-94 panalo kontra sa Utah Jazz.

vuukle comment

ANTETOKOUNMPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with