^

PM Sports

Galanza naasahan ng Creamline

Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi naging problema sa nagdedepensang Creamline Cool Smashers ang makailang beses na pagkawala sa tropa ng dalawang ace players na sina Alyssa Valdez at Jia Morado sa kanilang kampanya sa Premier Volleyball League (PVL) Season 3 Open Conference dahil sa pag-init ni outside spiker Jema Galanza.

Si Galanza ang isa sa mga kinapitan ng Cool Smashers na nagdeliber nang husto para sa sunud-sunod na tagumpay ng tropa sa pagkawala nina Valdez at Morado dahil sa kanilang national team duty at sa ilang di-inaasahang injury.

Pero para sa dating Lady Falcon, hindi niya masyadong iniisip ang pagturing sa kanya bilang leader ng tropa.

“Hindi naman sa leader but ‘yung contribution lang na maibibigay ko sa kanila siyempre and napag-usapan na namin sa team na happy ako na lahat nag-step up,” sabi ni Galanza matapos nilang walisin ang double-round eliminations ng liga kamakalawa para itarak ang 16-0 karta.

“Kasi hindi na rin na-stress sina ate Ly (Valdez) na parang iniisip nila na kailangan naming bumalik kasi ganito ‘yung team, ganyan ‘yung team tapos mas nagpo-focus sila sa national team ngayon.” (FJ)

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with