^

PM Sports

Baste, Mapua may pag-asa pa

Francisco Cagape - Pang-masa
Baste, Mapua may pag-asa pa

MANILA, Philippines — Nanatiling buhay ang pag-asa ng San Sebastian Stags at Mapua Cardinals na makapasok sa Final Four matapos magwagi sa magkahiwalay na laro kahapon sa pagpapatuloy ng Season 95 NCAA basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Bumawi ang Cardinals sa kanilang first round tormentor na Perpetual Help Altas, 85-81 upang uma-ngat sa 9-8 record habang muling pinayuko ng Stags ang Arellano Chiefs, 85-82 para manatili sa pang-apat na puwesto sa 10-7 win-loss kartada.

Sa panalo ng San Sebastian, naglaho na  rin ang pag-asa ng St. Benilde Blazers kahit manalo pa sila sa JRU Heavy Bombers, as of presstime, dahil hindi na nila maabutan pa ang Stags.

Tanging ang Mapua na lamang ang puwede pang humabol sa San Sebastian ngunit kailangan nilang magwagi sa St. Benilde at ipagdasal na mabigo ang Stags sa Perpetual Help sa huling araw ng elimination sa Biyernes.

Pero kung mananalo ang Stags sa Altas, diretso na sila sa semis kahit pa magwagi ang Mapua sa Blazers dahil angat ang San Sebastian ng isang panalo.

Kung magtatagumpay ang Mapua sa Blazers at mabigo ang San Sebastian sa mga kamay ng Altas, ang Cardinals at Stags ay magsososyo sa fourth spot sa 10-8 card na babasagin ng playoff sa Martes para pag-agawan ang huling semis slot.

Umani naman si Allyn Bulanadi ng 19 puntos at walong rebounds habang si RK Ilagan ay tumipak ng 20 puntos na may kasamang siyam na rebounds para sa Stags ni coach Macaraya. 

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with