^

PM Sports

Sunud-sunod ang Stakes Races

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Walang tigil sa pagpapakondisyon ng mga trainers at jockeys ng kani-kanilang pambatong kabayo dahil sunud-sunod na ang mga malalaking stakes races na ilalarga.

Sa darating na Linggo, pakakawalan ang 2019 PHILRACOM “Four-Year-Old & Above Local Stakes Race” sa Metro Turf, Malvar-Tanauan City, Batangas.

Magtatagisan ng bilis sa 1,800 meter race ang Hiway One, Metamorphosis, Pangalusian Island, ScarboroughShoal, Summer Romance at Victorious Colt.

May P500,000 ang ikakalat na premyo kung saan P300,000 ang mapupunta sa unang kabayong tatawid sa meta, P112,500 sa se-cond habang P62,500 at P25,000 sa third at fourth placers, ayon sa pagkakasunod.

May premyo rin na P15,000 ang breeder ng winning horse mula sa Philippine Racing Commission, (PHILRA-COM).

Nakatuon din ang horseowners, trainers at jockeys sa 2019 PHILRACOM “Three-year-Old Imported / Local Challenge Race na pakakawalan sa pista ng San Lazaro sa Carmona, Cavite.

Tiyak na todo rin sa paghahanda ang mga trainers sa kanilang pang­karerang kabayo dahil sa laki ng premyo ng nasabing stakes race na may guaranteed prize na P1.5-M ang ipamumudmod sa top four horses.

Mapupunta ang P900,000 sa mananalong kabayo habang P337,500 sa pangalawang kabayong tatawid sa finish line.

Mapapanalunan ng tersero ang P187,500 habang P75,000 ang sa fourth. May P60,000 naman sa breeder ng winning horse pero hindi kasali ang impor-ted horse sa breeder’s purse.

Ang nominasyon ay bukas at may fee itong P7,500 habang ang declaration ay sa October 14, may bayad din itong P15,000 kada isang kabayo.

Gagawin ang dra-wing of post position sa Oktubre 17 sa Carmona, Cavite.

vuukle comment

STAKES RACES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with