^

PM Sports

Finals ticket hangad ng apat na tropa

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines — Simula na ng tunay na bakbakan ng apat na natitirang college-based squads para umabante sa Finals ng Premier Vol­leyball League Season 3 Collegiate Confe­rence.

Maghaharap sa ‘do-or-die’ Game Three sa semifinals ang Adamson Lady Falcons at College of Saint Benilde Lady Blazers ngayong alas-9 ng umaga at magtutuos naman sa alas-11 ang UST Golden Tigresses at Ateneo Lady Eagles sa The Arena sa San Juan City.

Unang nakanakaw ng panalo ang Lady Bla­zers sa Game One ng kanilang semis series ng Lady Falcons sa bisa ng 26-24, 28-26, 17-25, 21-25, 15-13 panalo sa pa­mumuno ni senior spi­ker Klarisa Abriam na nagrehistro ng 27 points.

Pero hindi pumayag ang Adamson na umuwi sila ng luhaan kaya’t umariba nang husto ang tropa sa Game Two, 25-12, 21-25, 25-22, 19-25, 15-11, matapos sumandal sa mainit na laro ni Trisha Genesis na may 24 markers at itulak ang Game Three.

Parehong kuwento rin ang nangyari sa serye sa pagitan ng Golden Tigresses at Lady Eagles.

Nadagit ng mga taga-Katipunan ang Game One nang padapain nila at burahin ang winning-streak ng UST sa loob ng apat na sets, 25-15, 24-26, 25-16, 25-18, tampok ang pagbandera kay super rookie Faith Nis­peros na nagtala ng 19 points at 14 digs.

May tsansa na sana ang Ateneo na tapusin ang serye pero hindi nag­padaig ang UST at ba­lanseng opensa ang gi­namit na sandata para mapadapa ang UAAP Season 81 champions sa Game Two, 24-26, 25-18, 25-17, 25-17, sa pangunguna nina Eya Lau­re, Janna Torres at Imee Hernandez.

Ang dalawang kopo­nan na makakalusot ay maghaharap sa best-of-three title series na si­si­mulan sa Miyerkules sa The Arena.

 

 

vuukle comment

PREMIER VOL­LEYBALL LEAGUE SEASON 3

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with