^

PM Sports

Foton nakatikim ng panalo

Pang-masa

MANILA, Philippines — Umariba si kapitana Shaya Adorador para akayin ang Foton Tornadoes pabalik sa win-column matapos igupo sa straight sets ang PLDT Home Fibr Power Hitters , 25-15, 25-20, 25-18 sa 2019 Philippine Superliga (PSL) Invitationals kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Tumipak ang dating University of the East (UE) stalwart ng 15 puntos, sa likod 13 attacks at 2 aces, 9 receptions at 6 digs para iangat sa 1-2 karta ang Tornadoes sa Pool A ng group sta­ging kasosyo ang biktima nilang Power Hitters.

Naramdaman din ang pag-init nina CJ Rosario at Elaine Kasilag na nag-aambag ng 12 at 10 marka, ayon sa pagkakasunod sa larong tinapos nila sa loob ng 78-minuto.

Isang magandang con­fi­dent booster ito para sa Tornadoes na walang Dindin Santiago-Manabat at Jaja Santiago ngayong kumperensya dahil sa parehong naglalaro ang mga ito sa Japan para burahin ang magkasunod nitong kamalasan.

“Of course happy, coming from a two-game deficit siyempre magandang boost ‘to. Bago kami magsimula sabi ko dun sa mga bata bigay natin ‘yung best natin. Iba pa din ‘yung may panalo,” sabi ni Foton coach Aaron Velez.

Sa sumunod na laro, nakabawi ang F2 Logistics Cargo Movers mula sa pagkatalo nito noong Sabado kontra sa Petron nang walisin ang Marinerang Pilipina Lady Skippers, 25-14, 25-17, 25-11. (FJ)

vuukle comment

PHILIPPINE SUPERLIGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with