Spence puntirya si Pacquiao
MANILA, Philippines — Kumakaway na si Errol Spence kay eight-division world champion Manny Pacquiao matapos masungkit ang split decision win kay Shawn Porter sa kanilang unification bout kahapon sa Staples Center sa Los Angeles, California.
Nakuha ni Spence ang parehong 116-111 desis-yon mula sa dalawang hurado habang pumabor kay Porter ang isa pang hurado na may ibinigay na 115-112.
Dahil sa panalo, naa-gaw ng reigning International Boxing Federation (IBF) welterweight champion na si Spence ang World Boxing Council welterweight belt ni Porter.
Umangat sa impresibong 26-0 ang rekord si Spence tampok ang 21 knockouts samantalang nahulog sa 30-3-1 (17 KOs) si Porter.
Aminado si Spence na nahirapan ito kay Porter na itinuturing ito sa isa sa pinakamatikas na nakalaban nito.
“Shawn Porter is a rough and awkward fighter. He made it really awkward for me and I looked kind of sloppy in there and didn’t look how I wanted to look. That’s a credit to Shawn Porter. He’s a rough, rugged fighter,” ani Spence.
Maluwag na tinanggap ni Porter ang pagkatalo.
“He’s a strong kid. We both came in here to do the job. He got the split decision. I take nothing away from him I knew it was going to be a dog fight. I think he knew it was going to be a dog fight. He was victorious and I congratulate him and his team,” ani Porter.
Ang panalo ni Spence ang magiging tulay nito para makasagupa sa isa na namang unification fight si Pacquiao na nagmamay-ari ng World Boxing Association (WBA) welterweight title.
Inaasahang maikakasa ang laban sa Enero sa susunod na taon.
“I’m the only unified champion. The next fight I do want is Manny Pacquiao. But if not, I’ll go against my man Danny Garcia. Just like I tell Al Haymon, you line them up and I will knock them down,” ani Spence.
Nauna nang inihayag ni Pacquiao na handa nitong labanan sinuman ang manalo kina Spence at Porter.
Tama rin ang naging prediksiyon ni Pacquiao na makukuha ni Spence ang panalo.
- Latest