AFP, Ombudsman may misyon sa UNTV
MANILA, Philippines — Puntirya ng Armed Forces of the Philippines at Ombudsman ang kani-kanilang ikalawang sunod na panalo at bubuksan naman ng Malacañang ang kampanya nila sa 8th UNTV Cup bukas sa Pasig City Sports Center.
Lalabanan ng AFP Cavaliers, hangad ang kanilang ikaapat na titulo, ang Philheath Plus sa alas-2 ng hapon kasunod ang pagtutuos ng Graftbusters at Department of Agriculture Food Masters sa alas-4 sa Group I elims.
Makakatapat naman ng Malacañang Kamao ang Judiciary Magis sa alas-5 ng hapon sa Group II sa event na inorganisa ng UNTV ni president at CEO Dr. Daniel Razon.
Sa likod nina veteran Eugene Tan, Jerry Lumongsod at Dave Cordero ay tinalo ng Cavaliers ang PITC Global Traders, 90-70.
Nagmula naman ang Graft Busters sa 110-73 paggiba sa SSS Kabalikat.
- Latest