^

PM Sports

12-0 target ng San Beda

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Asam ng three-peat champion San Beda Red Lions na hatakin sa 12 ang winning streak sa paghaharap sa Jose Rizal Heavy Bombers sa pagpapatuloy ng Season 95 NCAA basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Tangan ang malinis na 11-0 win-loss kartada, haharapin ng Red Lions ang Heavy Bombers sa alas-2 ng hapon na susundan sa pagtatagpo ng Arellano Chiefs at Perpetual Help Altas sa alas-4.

Sa juniors division, target ng nangungunang SBU Red Cubs ang pang-11th panalo sa sagupaan kontra sa JRU Light Bombers (6-5) sa alas-10 ng umaga at magtatagpo rin ang Arellano Braves (5-6) at UPHSD Junior Altas (5-5) sa alas-12 ng tanghali.

Paborito ang Red Lions na magtagumpay laban sa Heavy Bombers na kanila ring tinambakan, 74-52 sa first round ng elimination noong Hul-yo 12 sa pangunguna ni James Canlas sa kanyang 17 puntos at walong rebounds at Calvin Oftana na umani rin ng 17 puntos at 10 rebounds.

Bukod kay Canlas at Oftana, sasandal din si coach Boyet Fernandez kina Clint Doliguez, Evan Nelle, AC Soberano, Franz Abuda at Donald Tankoua.

Kung magtagumpay ang Mendiola-based team, dalawang laro na lamang ang kanilang layo para masiguro ang mu-ling pagpasok sa Final Four dahil mahigit 14 wins ang magic number sa semifinal round.

Kailangan naman ng Heay Bombers ang panalo upang lumapit sa top four ng standing.

Nanatiling buhay ang pag-asa ng JRU para sa playoff round ngunit kailangan na nilang humataw para umakyat sa ikaanim na puwesto.

vuukle comment

BASKETBALL

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with