^

PM Sports

Nahirapan ang mga karerista

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sobrang nahirapan ang mga karerista noong Huwebes ng gabi sa Metro Turf, Malvar-Tanauan City, Batangas dahil hindi masundan ang regla ng labasan lalo na ang mga liyamadista.

Limang sunod na numero uno ang nagwagi, nagsimula sa Race 2 hanggang Race 6 kaya naman nagbigay nang malaking dibidendo sa Winner Take All at Pick 6.

May P15,946.00 ang napanalunan ng kada-isang ticket sa WTA habang P5,754.20 ang ibinigay na dibidendo sa Pick 6.

Matapos manalo ng liyamadong Mellifluous sa race 1 ay tatlong kabayo ni Narciso O. Morales ang nagwagi sa races 2, 3 at 4.

Nanaig bilang top favorite ang Courageous na nirendahan ni class A rider RM Garcia sa Race 2 habang nanalong dehado ang Hold Me Tight Baby at Musikera sa pangatlo at pang-apat na karera, ayon sa pagkakasunod.

Parehong sinakyan ni class A jockey CS Pare Jr. ang Hold Me Tight Baby at Musikera.

Nagwagi sa races 5 at 6 ang Marino Ng Tanglaw at Laughing Tiger na mga dehado.

Samantala, kahit outstanding favorite ang nanalong Super Sonic sa Condition Race Merged category 10 sa huling karera noong Sabado ng gabi ay nagkaroon ng carry over na P54,990.35 sa Super Six.

Dahilan ng pagkakaroon ng carry over ay nang pumasok sa pang-apat hanggang pang-anim na puwesto ang mga dehadong Harapin Ang Bukas, Stella Malone at The Catalyst.

Dumating na segundo ang Mood Swing habang tersero ang Phenomenal sa event na may distansyang  1,400 meter race at pinakawalan sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

vuukle comment

KARERISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with