Blazers ‘di matinag sa liderato sa men’s chess
MANILA, Philippines — Napanatili ng nagdedepensang College of Saint Benilde ang kanilang paghawak sa top spot sa seniors division ng 95th NCAA chess tournament sa San Beda University.
Bago makakuha ng Round 8 bye noong Linggo ay dinomina muna ng Blazers ang Jose Rizal University, 4-0, noong Sabado para ilista ang 23.5 points.
Sa ilalim ng St. Benilde ang San Beda, tinalo ang University of Perpetual Help System Dalta, 2.5-1.5 at Letran, 3-1 na may 22 points.
Nasa ikatlong puwesto ang Altas, nauwi sa 2-2 draw ang Arellano Chiefs sa Round 8, sa kanilang 16.5 points.
Samantala, hindi naman matinag ang juniors title-holder Perpetual Help sa kanilang eight-round total 25.5 points matapos igupo ang San Beda, 2.5-1.5, at Arellano, 3-1.
Nakabangon ang Junior Red Woodpushers mula sa Round 7 loss sa Junior Altas sa pamamagitan ng 3-1 paggiba sa Squires para manatili sa second place bitbit ang 23.5 points.
Pumapangatlo ang Lyceum of the Philippines University, tinalo ang Letran, 3-1 at Jose Rizal, 4-0, mula sa kanilang 22.5 points.
- Latest