^

PM Sports

Win No. 6 pakay ng Creamline kontra sa Choco Mucho

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines — Puntirya ng Creamline na dagitin ang ikaanim na sunod na panalo sa pakiki­pagtuos sa Choco Mucho sa pagpapatuloy ng Premier Volleyball League (PVL) Season 3 Open Conference sa The Arena sa San Juan City.

Magbabanggaan ang Cool Smashers at Flying Titans ngayong alas-6 ng gabi.

Tangan ng Creamline ang bentahe matapos padapain ang PetroGazz via straight sets, 25-19, 28-26, 25-20, para mapatatag ang kanilang kapit sa solong liderato sa torneo tangan ang 5-0 baraha.

Muling pangungunahan ni kapitana Alyssa Valdez ang defending champions katuwang sina Jia Morado, Michele Gumabao, Jema Galanza, Pau Soriano, Risa Sato at Melissa Gohing.

Gagawin naman ng Flying Titans ang lahat para muling makabalik sa win column matapos malasap ang ikalawang kabiguan sa torneo sa mga kamay ng BanKo Perlas Spikers, 18-25, 20-25, 23-25, noong Miyerkules.

Halatang nahirapan ang Choco Mucho na alpasan ang mas masigasig na Banko Perlas lalo na nang umalagwa ito sa pagdepensa sa net.

Babandera para sa Flying Titans ang dalawang tore ng Katipunan na sina Mad­die Madayag at Kat Tolentino kasama sina Cindy Imbo, Bang Pineda, Arian­na Angustia, Acy Masangkay at Kim Gequillana.

Magsisimula naman ang aksyon sa harapang Chef’s Classic Lady Red Spikers at BaliPure Water Defenders sa alas-4 ng hapon.

Samantala, sasabak din sa aksyon ang mga school based teams sa Collegiate Conference na sisimulan ng hatawan sa pagitan ng College of Saint Benilde Lady Blazers at Lyceum Lady Pirates sa alas-8 ng umaga.

Susundan ito ng harapang Far Eastern University Lady Tamaraws at Arellano University Lady Chiefs sa alas-10 ng umaga at sa alas-12 ng tanghali ang tapatang San Beda Lady Red Spikers at Ateneo Lady Eagles.

 

vuukle comment

CHOCO MUCHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with