^

PM Sports

Pro boxer na si Suarez lalaban para sa Pinas sa SEA Games

Chris Co - Pang-masa
Pro boxer na si Suarez lalaban para sa Pinas sa SEA Games

MANILA, Philippines — Nais ni 2014 Incheon Asian Games boxing silver medallist Charly Suarez na makatulong sa kampanya ng Pilipinas sa 2019 Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Hindi na nagdalawang-isip pa si Suarez nang tanungin ito ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) na muling dalhin ang bandila ng Pilipinas sa SEA Games.

“Nung tinanong ako ng ABAP, hindi na ako nag-isip pa dahil gusto kong makapagbigay ng karangalan sa bansa natin,” ani Suarez.

Magugunitang lumalaban na sa professional boxing si Suarez kung saan hawak nito ang 3-0 marka.

Sa kabila ng pagiging pro, nilinaw ng ABAP na pinahihintulutan na ng International Boxing Association (AIBA) na makapaglaro sa SEA Games, Asian Games at Olympic Games ang mga professional boxers.

Maganda ang record ni Suarez sa SEA Games.

Nakasungkit ito ng dalawang gintong medalya noong 2009 edition sa Vientiane, Laos bilang featherweight fighter at noong 2011 edisyon sa Palembang, Indonesia bilang lightweight boxer.

Nagkasya lamang sa tanso si Suarez noong 2017 sa Kuala Lumpur, Malaysia nang lumalaban pa ito sa light welterweight class.

Kaya naman nais ni Suarez na makaresbak sa pagkakataong ito sa harap ng kanyang mga kababayan.

vuukle comment

BOXING

CHARLY SUAREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with