^

PM Sports

Cignal, F2 logistics magkakasubukan

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa
Cignal, F2 logistics magkakasubukan

MANILA, Philippines — Kapwa pakay ng Cignal HD at F2 Logistics na tapusin ang elimination round na bitbit ang pa­na­lo.

Susubukan ng HD Spi­kers na masundan ang panalo nito, habang ba­ba­­wi naman ang Cargo Mo­­vers sa dalawang sunod na kabiguan sa 2019 Philippine Superliga All-Fi­lipino Con­ference sa Ma­­lolos Sports Convention & Cen­ter.

Magtutuos ang Cignal at F2 Logistics nga­­­yong alas-7 ng gabi.

Galing sa five-set  win ang HD Spikers kontra sa PLDT Home Fibr Power Hitters, 23-25, 25-20, 25-15, 23-25, 15-9, kung saan rumehistro ang tropa ng season-high na 27 blocks.

“Ngayon ay nagkaro­on kami ng proof na ma­­galing pala tayong magblock. Na-discover na­min si­ya, mas lalo na­min si­yang ipo-focus kasi naki­ta namin na effective,” sabi team captain Rachel Ann Daquis na pumoste ng pitong blocks.

Mamanduhang muli ni Daquis ang Cignal ka­tuwang sina Jovelyn Gon­zaga, Alohi Robins-Har­dy, Mylene Paat, Rose­lyn Doria, Ranya Mu­­sa at Jheck Dionela.

Samantala, tutuldukan naman ng Cargo Movers ang two-game lo­sing skid para patibayin ang kapit No. 1 spot sa team standings.

Nalasap ng F2 Logistics ang ikalawang sunod na pagkatalo sa kamay ng PLDT, 21-25, 28-26, 25-15, 19-25, 11-25, noong Sa­bado sa Cagayan de Oro City.

Muling sasandal ang Cargo Movers kina Fil-Am Kaleu Mau, Ara Ga­lang, Kianna Kim Dy, De­­siree Cheng, Kim Dy, Majoy Baron at Dawn Ma­­candili.

Kung mapapanatii ng F2 Logistics ang No. 2 spot ay makakalaban nila sa knockout quarterfinals ang No. 7 Sta. Lucia, habang ang No. 4 Cignal ay makakabangga ang No. 5 Foton.

Maglalaban naman ang Foton at Ma­rinerang Pi­lipina, puntirya ang unang panalo, sa alas-4:15 ng hapon.

vuukle comment

019 PHILIPPINE SUPERLIGA ALL-FI­LIPINO CON­FERENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with