^

PM Sports

Blaze Spikers inagaw ang solong liderato

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa
Blaze Spikers inagaw ang solong liderato
Tinangka nina Denden Lazaro at Aiza Maizo-Pontillas ng Petron na habulin ang bola.
Joey Mendoza

Tinapos ang ratsada ng Movers

MANILA, Philippines — Tinuldukan ng Petron Blaze Spikers ang ipinos­teng 11-game winning streak ng F2 Logistics Cargo Mo­vers matapos angkinin ang five-set victory, 26-28, 27-29, 25-19, 25-20, 15-6,  sa 2019 Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference kahapon sa The Are­na sa San Juan City.

Ipinagpag ng Blaze Spikers ang kanilang two-set deficit at umalagwa na parang diesel sa sumunod na tat­long sets para irehistro ang ika-10 sunod na arangkada at nakawin ang top spot tangan ang 12-1 kartada sa nasabing torneo.

Umariba nang husto para sa Petron ang bulinggit na si Sisi Rondina na pumalo ng 22 points sa likod ng 21 attacks at 1 block.

Nagdagdag naman si veteran Ces Molina ng 20 mar­kers para sa panalo ng Blaze Spikers.

Nagparamdam din para sa tagumpay ng koponan sina Bernadeth Pons at Mika Reyes na may 16 at 10 points, ayon sa pagkakasunod.

Ang third set ang naging mitsa ng nagdedepensa sa korona para bumangon, gumising at dominahin ang fourth set sa tulong ng kanilang mga bench pla­yers para maipuwersa ang deciding set.

Binugbog nang husto ng Petron ang F2 Logistics pagpasok ng fifth set sa pagposte ng 10-0 bentahe hanggang lampasuhin na nito ang kanilang first-round tormento.

“Siyempre, sobrang thank you kay Lord. Unang-una thank you Lord kasi siyempre, kasi kanina med­yo down kami. Nalulungkot lang kasi ‘yung galaw namin hindi pa mailabas lahat. Pero ‘yung first two sets namin hindi naman kami nagpapabaya,” sabi ni head coach Shaq delos Santos matapos ang laro.

Ito ang unang kabigu­an ng Cargo Movers sa komperensya at nahulog sa ikalawang puwesto bitbit ang 11-1 marka.

Nanguna para sa F2 Logistics si Fil-American spiker Kalei Mau na may 25 points kasama ang 22 digs at 10 excellent receptions.

Nag-ambag naman ng 15 mar­kers si Majoy Ba­­ron ka­sunod ang 14 points ni Ara Ga­lang para sa unang pagkatalo ng tro­­­pa ni mentor Ra­mil de Je­­sus sa torneo.

vuukle comment

PHILIPPINE SUPERLIGA ALL-FILIPINO CONFERENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with