^

PM Sports

P11K carry over sa super 6 pupuntiryahin ngayon

Pang-masa

MANILA, Philippines — Pihadong bubuhos ang bentahan sa Condition Race na pasisibatin sa unang karera ngayong araw dahil sa carry over na P11,713.54 na ikakarga sa super six.

May 11 tigasing kabayo ang pagpipilian sa Race 1 sa distansyang 1,400 meter race, dahil sa laki ng carry over, kahit liyamado ang mga titimbang ay tiyak na maganda ang magiging dibidendo.

“’Yang mga ganyang carry over ang masarap tayaan tapos super six pa, kahit A-B-C ang dati-ngan siguradong malaki pa rin ang ibibigay na dibidendo,” masayang sabi ni Ramil De Guzman, mananaya sa OTB sa Sta. Cruz, Manila.

Isa sa inaasahang magiging pamoste ng mga mananaya ay ang Purpose Driven na gagabayan ni jockey JB Cordova.

“Para sa akin, tatlo na pipiliin ko sa pamoste ko para malaki ang tsansa tutal malaki naman ang carry over kaya hindi ka lugi sa taya,” saad naman ni Luis Tuazon isang karerista.

Ang ibang kalahok ay ang Kingwash Beauty, Ha-yaku Jabez, Single Flower, A Certain Smile, Artikulo Uno, Right As Rain, Case Bell, She’s My Princess, Bato, Coastal Road.

Samantala, kaska­san sa unahan ang 10 tigasing kabayo sa Group Race na ilalarga sa huling karera.

Lamang sa nasabing karera na may habang 1,400 meter race ang magkakam-ping No Regret at More Or Less.

Makakalaban nila ang Magic Square, Wild Talk, Palos, Copernicus, Ha-ring Araw, Storm Apo at magka-kuwadrang Tonador Sprinter at Dare To Be. Nilda Moreno

vuukle comment

CONDITION RACE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with