^

PM Sports

Tuloy ang POC Election sa Jul. 28

Francisco Cagape - Pang-masa
Tuloy ang POC Election sa Jul. 28

MANILA, Philippines – Tuloy na ang special election sa Philippine Olympic Committee (POC) ngayong Hulyo 28.

Sinabi ni POC chairman Abraham “Bambol” Tolentino na sinang-ayunan niya ang tatlong hakbang bilang guidelines na ibinigay nina International Olympic Committee (IOC) director for Olympic Solidarity and National Olympic Committee (NOC) Relations Director James Macleod at Olympic Council of Asia (OCA) director general Hussain al-Musallam sa POC para sa pag-resolba sa probema ng Olympic body.

“I’m willing to follow the wishes of the IOC ang OCA to resolve the problem in the POC,” sabi ni Tagaytay City Congressman Tolentino sa press conference kahapon sa Golden Bay Seafoods Restaurant sa Pasay City.

Kung matatandaan, sinulatan uli nina Macleod at Al-Mussallam ang POC Board noong Martes para hikayatin na magpatawag muna ng Special Executive Board Meeting sa Hulyo 8 at Etraordinary General Assembly sa Hulyo 18  bago sa nasabing Special Election sa Hulyo 28.

Ayon kay Tolentino, dadalo siya sa naturang special board meeting sa Lunes sa POC office sa loob ng Philsports Complex sa Pasig City kung saan inaasahan ding dadalo ang nagbitiw na si Ricky Vargas bilang immediate past president.

Sa nasabing board meeting pag-uusapan nila ang komposisyon sa commission on election (Comelec) upang isumite at pagtibayin sa Extraordinary General Assembly bago ang 10-day notice ni secretary-general Patrick  Gregorio para sa election ng mga nabakanteng posisyon.

Apat pa lamang silang nagsumite ng written resignation kaya apat na posisyon lamang din ang bakante sa ngayon kabilang na ang presidente (Vargas), chairman (Tolentino) at dalawang slots sa Board nina Clint Aranas at Cynthia Carreon.

Hinikayat pa rin ni Tolentino sina POC first vice-presidente Joey Romasanta ng karatedo, treasurer Julian Camacho ng wushu at auditor Jonne Go ng canoe kayak  na tuparin na ang kanilang binitiwang pa-ngako sa general assembly meeting na ginanap sa GSIS gym noong nakaraang linggo para makapagbigay daan sa sariwang mandato.

Kinumpirma na ni Tolentino ang kanyang pagtakbo sa pagka-pa-ngulo sa Olympic body ng bansa. Inaasahan ding itatapat ng kampo ni da-ting presidente Jose Cojuangco at Romasanta si Clint Aranas ng archery para sa pinakamataas na posisyon ng POC. 

 

 

vuukle comment

POC ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with