^

PM Sports

Durant mas piniling maging free agent

Pang-masa
Durant mas piniling maging free agent
Kevin Durant

OAKLAND, California -- Muling susubukan ni Kevin Durant ang free agency market.

Kahapon ay tinanggihan ng Warriors superstar ang kanyang player option na nagkakahalaga ng $31.5 milyon para maging isang unrestricted free agent.

Ang nasabing desisyon ng 30-an-yos na forward ay ipinaalam niya kay Golden State boss Bob Myers sa pamamagitan ng kanyang business manager na si Rich Kleiman.

Sa kabila nito ay bukas pa rin si Durant na muling maglaro para sa Warriors bagama’t determinado ang New York Knicks, Brooklyn Nets at Los Angeles Clippers na kunin siya.

Nagkaroon si Durant, ang 2017 at 2018 NBA Finals Most Valuable Player at 2014 NBA MVP, ng ruptured right Achilles tendon sa second quarter sa Game Five ng nakaraang NBA Finals laban sa Toronto Raptors.

Sumailalim siya sa surgery kamakailan para sa nasabing injury.

Humataw si Durant ng mga ave-rages na 26.0 points, 6.4 rebounds, 5.9 assists at 1.1 blocked shots a game para sa Warriors sa katatapos na season at pinalobo ito sa 32.3 points at 7.7 rebounds a game sa playoffs bago nagkaroon ng right calf injury.

Hindi kaagad siya makakalaro sa susunod na season.

Puwede siyang pumirma ng isang five-year contract at tumanggap ng mas malaking suweldo kung mananatili siya sa Golden State imbes na lumipat sa ibang koponan na mag-aalok lamang sa kanya ng four-year deal.

Maliban kay Durant, tinututukan din ng ibang koponan si Klay Thompson, nakalasap ng torn left knee ligament sa Game Six ng NBA Finals at hindi pa agad makakalaro sa susunod na season.

vuukle comment

KEVIN DURANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with