^

PM Sports

Phoenix inawat ang Northport

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Phoenix inawat ang Northport
Tinangkang umiskor ni Sean Anthony ng Northport laban kay Dave Marcelo ng Phoenix.
Photo ni Jun Mendoza

MANILA, Philippines – Pinalamig ng Phoenix ang dating mainit na Northport, 97-87 upang makabalik sa win column ng 2019 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Matapos lumamang ng hanggang 15 puntos sa fourth quarter, muntikan pang masilat ang Fuel Masters nang magpakawala ng matinding ratsada ang Batang Pier sa pangunguna nina Sean Anthony, Robert Bolick at Kevin Ferrer na nagbuslo ng tres sa huling 1:07 marka para sa 87-90 pagkakaiwan.

Sa kabutihang palad, may tangke pang natitira sa tangke ng Phoenix na tinapos ang laro sa 7-0 run upang maitakas ang mahirap na panalo.

Umangat sa 3-4 ang bahara ng Fuel Masters upang mapanatiling buhay ang pag-asang makapasok sa playoffs ng idinaraos na mid-season conference.

Bumida sa tagumpay ng Phoenix ang ace gunner na si Matthew Wright sa naitala niyang 28 puntos, limang rebounds at anim na assists kabilang na ang pambaong tres sa huling 17 segundo upang masiguro ang panalo.

Sumuporta naman sa kanya ang import na si Richard Howell na humakot ng 18 puntos at 15 rebounds sahog pa ang tatlong steals.

Solido rin ang kontribusyon ng ibang local gunners para sa Fuel Masters na sina RJ Jazul, Jason Perkins at Alex Mallari na may 17, 12 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, bigong makaiskor ng comeback win ngayon ang Batang Pier sa kabila ng 19 puntos, anim na rebounds at tatlong assists ni Mo Tautuaa.

Naglista rin ng 18 puntos at walong rebounds si Ferrer, may 16 markers, anim na rebounds at anim na assists si Anthony habang may 11 puntos ang rookie na si Bolick para sa Batang Pier na napatid ng five-game winning streak.

Nauwi rin sa wala ang 12 puntos, 10 rebounds, apat na steals at dalawang supalpal na si Prince Ibeh na hindi natapos ang laro nang ma-fouled out sa last two minutes na siya namang ininda ng Batang Pier.

Bumaba sa 7-2 ang NorthPort sa likod na Talk ‘N Text (7-1).

 

vuukle comment

PHOENIX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with