^

PM Sports

Gilas natapat uli sa south korea

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matatapat ulit sa karibal na South Korea ang Gilas Pilipinas men’s squad sa nalalapit na 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers ngayong taon.

Ranggong ikaapat at ikalimang koponan sa Asya ngayon, magkasama sa Group A ang Pilipinas at SoKor ayon sa ginanap na draw kamakala­wa ng gabi sa Bangalore, India kung saan kuma­tawan sa bansa ang dating Gilas captain na si Jim­my Alapag.

Kasali rin ang Thailand at Indonesia sa Group A ng qualifiers ng Asia Cup na ipapakilala ang bagong format sa unang pagkakataon sa kasaysayan.

Kapareho ng Asia Cup qualifiers ang format ng katatapos lang na FIBA World Cup Asian Quali­fiers kung saan nakapasok sa Magic 7 ang Pilipinas upang mag-qualify sa World Cup kasama ang Australia, Korea, New Zealand, Iran, Japan, Jordan at host China.

Tatagal ng dalawang taon na may home-and-away window format ang Asia Cup qualifiers na magsisi-mula ng unang window ngayong Nobyembre.

Magtatapos ito sa susunod na Nobyembre 2020 kung saan awtomatikong papasok sa Asia Cup proper ang top two teams ng anim na grupo.

May tsansa naman ang third placers ng kada- grupo dahil papasok sila sa quarterfinal tournament para paglabanan ang huling apat na puwesto sa prestihiyosong 16-team Asia Cup.

Kaiba ang qualifiers ng FIBA Asia Cup nga­yon mula sa tradisyunal na isang linggong torneo la­mang -- ang huli noong 2017 kung saan nag-kampeon ang Australia habang pangpito lang ang Pilipinas matapos ang 86-118 na kabiguan kontra sa SoKor sa quarterfinals.

Samantala, mangunguna naman ang No. 3 Asian team na China sa Group B kasama ang Chinese Taipei, Japan at Malaysia habang ang no. 1 team na Australia naman ang tatrangko sa Group C kasama ang Hongkong, Guam at New Zealand.

Nasa Group D ang Lebanon, Iraq, Bahrain at India habang nasa Group E naman ang Qatar, Saudi Arabia, Syria at no. 3 Asian country na Iran.

Kinumpleto naman ng Jordan ang Group F kasama ang Kazakhstan, Palestine at Sri Lanka.

vuukle comment

GILAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with