^

PM Sports

Ironcon-UST target ang twice-to-beat

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sasagpangin ng Ironcon-UST ang playoff ticket at ang importanteng twice-to-beat nga-yon sa krusyal na pagsagupa kontra sa sibak nang Family Mart-Enderun papalapit sa pagtatapos ng 2019 PBA Developmental League elimination round sa JCSGO GYM sa Cubao, Quezon   City.

Sasalang sa alas-2 ng hapon ang Growling Tigers na hangad ma-selyuhan ang No. 2 seed sa Aspirants’ Group para sa twice-to-beat edge sa crossover quarterfinals kontra sa top four squads ng Foundation Group.

Kung matatalo naman, mamamaalam na sa kontensiyon ang España-based squad dahil lalagpak ito sa 6-3 baraha at magkakaroon ng mas mababang quotient kontra sa mga makakatablang koponan na St. Clare, Go For Gold at Che’Lu Bar and Grill.

“Kailangan namin yung mga ganitong laro para sa maturity ng mga players namin,” ani Ayo na hinahanda ang Growling Tigers para sa Season 82 ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ngayong taon.

Parehong misyon naman ang pakay ng Far Eastern University na sasalang sa alas-4 ng hapon kontra sa Centro Escolar University na matagal nang swak sa playoffs ng Foundation Group.

Hawak ang 5-3 baraha, awtomatikong papasok na rin sa quarterfinals ang Tamaraws kung makakalusot habang magbibigay daan naman ito sa Marinerong Pilipino (5-4) kung matatalo sila kontra sa Scorpions.

Alam ni FEU coach Olsen Racela ang komplikasyon na iyon kaya’t aatasan ang kanyang koponan na ibuhos ang lahat lalo’t may masasandalan silang 88-81 panalo kontra sa Diliman College -- Gerry’s Grill dalawang linggo na ang nakalilipas.

“We treated it like a knockout game. So ito ngayon, knockout game na talaga,” ani Racela na aasahan sina  L-Jay Gonzales, Alec Stockton at Wendell Comboy.

vuukle comment

2019 PBA DEVELOPMENTAL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with