^

PM Sports

NCR nagsimula nang kumilos

Francisco Cagape - Pang-masa

2019 Palarong Pambansa

DAVAO CITY, Philippines — Kagaya ng inaasahan, sinimulan ng powerhouse National Capital Region ang pag-akyat sa tuktok ng standing matapos humakot na ng 45-39-25 gold-silver-bronze kahit may dalawa pang araw ang natitira sa 2019 Palarong Pambansa sa University of the Philippines-Mindanao Aquatic center at University of Mindanao Athletics oval dito.

Humakot na ng 18 gintong medalya ang mga atleta ng NCR mula sa swimming, apat sa athletic, pito sa gymnastics at ang iba ay mula sa arnis, archery, badminton at sepak takraw. Ang NCR ang may pinakamaraming overall championship trophy sa Palaro simula pa noong 1948 sa kabuuang 21overall title.

Kahit mahigit 11 gintong medalya lamang ang agwat ng NCR at pumapangalawang Calabarzon na tangan ang 34-24-45 tally habang sinusulat ang istoryang ito, inaasahang palalawakin pang lalo ng NCR ang kalama-ngan sa huling araw ngayon ng swimming, archery, arnis, billiards, pancak silat at sepak takraw.

Hindi naman malayo sa NCR at Calabarzon ang Western Visayas sa ikatlong puwesto sa 34-17-27 at pang-apat ang Soccsargen sa 19-30-18 kasunod ang Bicol Region (16-17-21), Central Luzon (14-19-13), Central Visayas (10-12-19), Cordillera region (10-7-17) at Ilocos Region (10-6-12).

Samantala, anim pang panibagong record ang naitala sa swimming kahapon para palawakin sa 14 ang mga bagong records.

vuukle comment

PALARONG PAMBANSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with