Blue Eagles lalapit sa pagdagit sa Final Four ticket
MANILA, Philippines — Pipilitin ng Ateneo na makalapit sa silya sa Final Four sa pagsagupa sa nagdedepensang University of the Philippines sa UAAP Season 81 men’s football tournament sa FEU-Diliman pitch.
Hangad ng Blue Eagles na makabawi sa kanilang 1-2 kabiguan sa Fighting Maroons sa first round sa pagtutuos nila ngayong alas-9 ng umaga.
Samantala, bubuhayin naman ng University of Santo Tomas Growling Tigers ang kanilang tsansa sa Final Four sa pagharap sa sibak nang Adamson Falcons sa alas-3:30 ng hapon matapos ang salpukan ng Far Eastern University Tamaraws at University of the East Red Warriors sa ala-1:30.
Tangan ng Blue Eagles ang 22 points kasunod ang Tamaraws (21 points) kasunod ang Fighting Maroons (19 points), La Salle Green Archers (19 points) at Growling Tigers (17 points).
Hindi pa natatalo ang Fighting Maroons sa kanilang apat na laro sa second round.
Tiyak namang maghahangad ng panalo ang Growling Tigers laban sa Falcons.
- Latest