^

PM Sports

Blaze Spikers inangkin ang unang semis seat

Chris Co - Pang-masa
Blaze Spikers inangkin ang unang semis seat
Hinatawan ni Mika Reyes ng Petron ang depensa nina Mar-Jana Phillips at Andrea Marzan ng Sta. Lucia.
PM photo ni Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Walang makapigil sa nagdedepensang Petron nang pulbusin ang Sta. Lucia Realty, 25-17, 25-11, 25-18, para masungkit ang unang silya sa semifinal round ng 2019 Philippine Superliga Grand Prix kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Halimaw na naman si­na American imports Katherin Bell at Stephanie Niemer para pamunuan ang ratsada ng Blaze Spikers na naikonekta ang ika-15 sunod na panalo.

Bumanat si Bell ng 19 points at naglista si Nie­mer ng 16 mar­kers galing sa 14 attacks, 1 block at 1 ace.

“A win is a win and we like winning so it’s good, I don’t hink it was our cleanest match but we will take it. We got some stuff to work on to im­prove from this match. Our passing struggled a little bit, we’re more crisped that normally,” wi­ka ni Niemer.

Inilabas ng Blaze Spi­kers ang bangis sa attack line matapos maglista ng 46 kills laban sa 20 lamang ng Lady Realtors.

Tanging si American wing spiker Casey Schoenlein lamang ang nag­sumite ng double di­gits para sa Lady Realtors nang makapaglista ng 11 hits mula sa 9 attacks at 2 blocks.

Makakasagupa ng Pe­tron ang magwawagi sa pagitan ng Cignal at Uni­ted Volleyball Club sa quarterfinal sa Mar­tes.

Sa kabila ng matikas na panalo ay walang pu­wang ang pagiging kum­piyansa para kay Niemer na nais pa ring mas ma­ging pulido ang kanilang laro partikular na sa se­mis na mas krusyal na es­tado ng kumperensiya.

“Personally I can im­prove more on better attacks, smart choices. Overall I think our ser­ving were strong and that’s one of our assets and I think we can work on our serve receive and communication,” dagdag pa ni Niemer.

 

vuukle comment

BLAZE SPIKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with