^

PM Sports

Iloilo kampeon ng BP-Visayas

Francisco Cagape - Pang-masa

Iloilo City, Philippines — Nakasungkit pa ng 12 gintong medalya sa pencak silat ang Iloilo City,  tatlo sa lawn tennis at tig-isa sa sepak takraw at table tennis para tuluyang masikwat ang una nilang titulo sa  2019 Batang Pinoy Visayas Qualifying Leg kahapon sa Times Square ICC Gaisano dito.

Nakalikom ang host team ng kabuuang 57 golds, 49 silvers at 44 bronzes upang itakas ang overall championship ng kumpetisyon para sa mga batang atleta na may edad 15-anyos pababa.

Ang iba nilang ginto ay mula sa  archery, arnis, dancesports, swimming, taekwondo, athletics at karatedo.

Bumaba naman ang overall champion sa nakaraang taon na Cebu City sa second spot sa 42-55-63, ikatlo ang Cebu Province sa 38-38-52 at ang dating perennial champion na Negros Occidental ay pang-apat sa 30-18-17 kasunod ang Lapu Lapu City (28-14-25), Bacolod City (23-27-35) at Mandaue City (22-21-31).

“Maganda kasi ang preparasyon namin nga-yon dahil karamihan sa aming mga atleta ay kagagaling lamang sa Pa-laro West Visayas regional meet at ang aming mga out-of-school athletes ay galing din sa katatapos lamang na 2019 Panglunsod Games namin,” sabi ni Iloilo City sports development officer Moises Salomon Jr.

Sa huling araw ng kumpetisyon, winalis ng mga Iloilo City bets na sina Althea Rose Martirez at Maris Abi-gail Aguirre ang tatlong ginto sa girls lawn tennis habang sina Ella May Baldevarona, Scyros Malcolm Garduse at Welmat Tajapal, Lei Alminaza ay humakot ng 12 ginto sa pencak silat. Nagwagi rin sina Alan Vincent Dominguez at Marie Levee Oliva sa mixed doubles ng table tennis.

“Mayroon na kasi kami ngayong limang multi-event competition kada taon kaya maganda na ang exposures ng aming mga atleta, both educational-based at out-of-school youth. Kaya dahil sa programang ito, gumanda na rin ang kanilang performance,” dagdag ni Salomon.

vuukle comment

VISAYAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with