^

PM Sports

William Ramirez tinatrabaho na ang 2019 SEA Games

Francisco Cagape - Pang-masa
William Ramirez tinatrabaho na ang 2019 SEA Games

MANILA, Philippines — Sisimulan na ni PSC chairman William Ramirez na kausapin ang mga sekretarya at mga pinuno ng iba’t ibang opisina ng gobyerno kabilang na ang mga government-owned corporations para patatagin at patibayin ang kanilang sosyohan sa hosting ng 30th Southeast Asian Games na gaganapin dito sa bansa ngayong Nobyembre 30 hanggang sa Dec. 11 sa taong ito.

“Being the government’s sports agency, we are expected to take the lead in coordinating with other government agencies being referred to in the circular,” sabi ni Ramirez ukol sa Circular Memorandum No. 56 mula sa Malacañang na nag-uutos sa mga department offices, bureaus, agencies at instrumentalities ng gobyerno para tulungan at suportahan ang 2019 Sea Games.

Sinabi pa ni Ramirez na magdaraos na sila ng coordination meeting sa ikalawang linggo ng buwang ito para pag-usapan ang mga isyu na dapat gagampanan ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno kabilang na sa security, facilities, waste management, traffic management, health security measures at budget.

“Our PSC staff have been working with PHISGOC to guide them on certain matters, especially with the responsibility of managing the budget falling on our lap,” pahayag ni Ramirez na siya rin ang Philippine Sports Commission (PSC) chairman at Chief of Mission ng Team Philippines sa 23rd Sea Games na idinaraos dito sa Pilipinas noong 2005.

Ang unang hosting ng bansa sa biennial multi-event ASEAN regional meet ay noong 1981 at sinundan noong 1991 ngunit nakamit lang ng Team Philippines sa unang pagkakataon ang overall championship noong 2005.

Nauna na ring sinabi ni Ramirez na bilang pinuno ng lead agency kung saan ipinagkakatiwala ang inilaang P7.5 bilyon na budget mula sa General Appropriation ACT (GAA) 2019, pangangasiwaan niya ang pondo alinsunod sa “rules and regulation” ng Commission on Audit (COA).

Si Ramirez ang co-chairman ng Philippine Sea Games Organizing Committee (Phisgoc) kasama si Philippine Olympic Committee (POC) president Ricky Vargas habang si dating Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano naman ang presiding chairman.

Mahigit 9,840 atleta mula sa 11 bansa ng Southeast Asia ang inaasahang sasabak sa pinakamalaking edisyon ng Sea Games kung saan 523 events sa kabuuang 56 sports disciplines ang nakataya sa 12 araw na kumpetisyon.

vuukle comment

SOUTHEAST ASIAN GAMES

WILLIAM RAMIREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with