^

PM Sports

Meralco bumangon

Russell Cadayona - Pang-masa
Meralco bumangon
Dumipensa si Chris Newsome ng Meralco laban kay Roger Pogoy ng Talk N Text.
PM photo ni Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Gamit ang malagkit na depensa sa second half, bumangon ang Bolts mula sa 21-point deficit sa second quarter patungo sa pagsosyo sa ikaapat na puwesto.

Kumolekta si Fil-Am guard Chris Newsome ng 20 points, 9 rebounds at 5 assists, habang humugot naman si Baser Amer ng 10 sa kanyang 17 markers sa third period para pamunuan ang Meralco sa 88-77 pagresbak sa TNT Katropang Texters sa 2019 PBA Philippine Cup kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

“We all know that Philippine Cup is the most prestigious conference, and we just want to prove that we can still win in this tournament without an import,” sabi ni Newsome.

Nagdagdag si Jared Dillinger ng 16 points kasunod ang tig-11 markers nina Ranidel De Ocampo at Nico Salva para sa ikalawang panalo ng Meralco sa apat na laro.

Nanggaling ang Bolts sa 95-103 pagyukod sa four-time champions San Miguel Beermen, habang nalasap ng Tropang Texters, sinimulan ang torneo sa 0-2, ang pangatlong kabiguan sa limang laban.

Nilimitahan ng Meralco si star guard Jayson Castro sa 4 points matapos humataw ng 16 markers sa first half kung saan itinayo ng TNT Katropa ang 21-point lead, 30-9, sa pagsisimula ng second period.

Binitbit ng Tropang Texters ang 30-39 bentahe sa halftime bago naagaw ng Bolts ang kalamangan sa 52-50 sa likod nina Amer, Ranidel De Ocampo at Cliff Hodge sa 3:05 minuto ng third quarter.

Napalaki pa ito ng Bolts sa 79-60 buhat sa three-point shot ni Newsome sa huling 4:47 minuto ng final canto para tuluyan nang sel-yuhan ang kanilang panalo laban sa Tropang Texters.

Nag-ambag si Roger Pogoy ng 15 points sa panig ng TNT Katropa kasunod ang tig-8 markers nina Don Trollano at Yousef Taha.

Habang sinusulat ang balitang ito, nag-lalaban pa ang Rain or Shine at Blackwater sa ikalawang laro kagabi.

 

 

vuukle comment

MERALCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with